Itinanggi ng tagapagsalita ng House prosecution team ng impeachment trial ni Chief Justice Renato nitong Lunes ang naging ulat ng isang pahayagang nagmamay-ari umano siya ng P15-milyong halaga ng house and lot sa Quezon City.
Ayon kay Marikina Rep. Romero Quimbo, isa sa mga tagapagsalita ng prosecution, wala umano siyang ari-arian sa Varsity Hills sa Loyola Heights, taliwas sa ulat ng pahayagang The Daily Tribune nitong Lunes.
“This is just part of the squid tactics and black propaganda. Bawat Lunes, may paninirang bago,” ani Quimbo sa isang press briefing.
Sa ulat ng pahayagan, nakakuha ng three-story na bahay si Quimbo sa isang "ritzy" village noong nakaraang taon.
Para kay Quimbo, maaaring kasuhan ng libel ang publikasyon sa kanilang inilabas na ulat.
“I wish the writer displayed more diligence. I could have readily showed to that individual that it [the report] is pure hogwash,” aniya.
Ibinunyag din ng The Daily Tribune nitong nakaraang linggo na nagmamay-ari umano si lead public prosecutor Niel Tupas Jr. ng P50-milyong "mansion" sa Xavierville Subdivision sa Quezon City.
Kinumpirma naman ni Tupas ang kanyang pagbili ng bahay sa subdivision na iyon nitong nakaraang taon, ngunit kanyang nilinaw na ang ari-ariang itong ay nangangahalaga lamang ng P14 milyon. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
No comments:
Post a Comment